Friday, May 11, 2012

Ilang manlalaro sa Palaro, 'di pa rin makauwi dahil naka-confine sa ospital

DAGUPAN CITY - Posibleng manatili pa ng isang linggo sa Pangasinan Unsophisticated Hospital sa lungsod ng San Carlos ang dalawang manlalaro ng Davao na tinamaan ng sakit na bulutong tubig.
Ayon sa mga doktor hindi pa tuluyang magaling ang volleyball player na si Kim Consenario at softball game role player na si Geraldine Lumiktim.
Mas nakakahawa umano ang kalagayan ng dalawa ngayong papagaling pa lamang sa kanilang sakit kaya't ipinapayong manatili muna sila sa ospital para hindi mahawa ang iba nilang mga kasamahan.
Maliban sa dalawa, kasama ring maiiwan ang kanilang athletic coach na si Eleonor Maravilles na tinamaan din ng sakit.
Samantala, isa namang atleta ng Davao ang naka-confine ngayon sa ICU ng PPH dahil sa sakit na pnuemonia.
Ayon sa DepEd Davao tatlo sa kanilang aesculapian team ang maiiwan upang asikasuhin ang pangangailangan ng kanilang mga na-admit na manlalaro.
Napag-alaman na walong delegado ng Palarong Pambansa ang nagpapagaling ngayon sa nabanggit na ospital.

No comments:

Post a Comment